Talumpati Tungkol Sa Magulang

maikling talumpati tungkol sa magulang tagalogAng anak matitiis ang mga magulang, ngunit ang mga magulang ay hinding-hindi matitiis ang mga anak. Mula sa sa unang sigaw ng ating mga uha, mga magulang natin ang nasa ating tabi.

Sina tatay at nanay na ating palaging mga gabay at patnubay sa buhay. Si tatay ang haligi ng mga tahanan, habang si nanay naman ang tanglaw na siyang tagabigay ng liwanag at ilaw.

Wala ng sasarap pa sa samahan ng isang tahanan na buo ang bilang ng mga pamilya. Mula sa loob ng ating tahanan ay dito tayo unang natuto sa kung ano ang tama sa mali.

Mula sa mga walang sawang pangangaral ng ating magulang ay nagsilbi na ang mga ito na tila parte na ng ating pang araw-araw na pamumuhay.

Mapalad kayong mga bata na may mga magulang na laging nagbibigay patnubay sa lahat ng inyong mga gawain.

Ang mga batang busog sa aral, kalinga at pagmamahal ng mga magulang ay malayo sa anumang kapahamakan. Bigyan ninyo ng halaga ang bawat butil ng aral na sinasabi sa inyo sapagkat ito ang mga bagay na kailanman ay hindi mababayaran o mabibili ng anumang halaga ng salapi.


Matuto tayong pagyamanin ang ating mga sarili mula sa tulong ng ating mga magulang dahil hindi sa lahat ng oras ay kasa-kasama natin sila.

halimbawa ng mahabang talumpati tungkol sa magulangHabang malakas at nasa tabi pa natin sina tatay at nanay, ipadama natin sa kanila ang pagmamahal at kalinga na kanilang inalay sa atin noong tayo ay mga musmos pa lamang.

Pilitin nating ipadama sa kanila na sila ay mahalaga kahit na mga matatanda na. Lagi ninyong itanim sa inyong mga isipan na hindi ninyo narating ang kinalalagyan ninyo ngayon kung wala ang kalinga nina tatay at nanay.

Huwag mong hinatayin ang mga sandali na sila ay wala na at saka mo sasabihin “mahal ko kayo mga magulang ko”.