Tula Tungkol Sa Karapatang Pantao

Pamagat: “Iyan Ang Dapat!”

I.

Lahat ng tao ay may karapatang umunlad at matuto,

mabigyan ng edukasyon at oportunidad na sapat.

Maipakita ang kakayahan at makapagtrabaho,

karapatang mamuhay ng payapa, ‘yan ang dapat!

II.

Mayroong kakayahang ipahayag ang kanyang damdamin,

sa mga usaping panlipunan ay makapagsalita nang tapat.

Pantay na karapatan para maibulalas ang mga saloobin,

kalayaang makapagsalita, ‘yan ang dapat!


III.

Tungkuling makapili ng mga pinunong maglilingkod,

mga lider na hindi tiwali at magsisilbi para sa lahat.

Pagbabago para sa edukasyon, pamumuhay, at magandang sahod,

karapatang bumoto tuwing halalan, ‘yan ang dapat!

IV.

Binibigyan ng oportunidad sa pantay na paglilitis,

hustisya ay dapat walang anumang halagang katapat.

Buhay ng isang tao ay di dapat kinikitil nang mabilis,

dapat ay laging sumunod sa batas, ‘yan ang dapat!

V.

Bawat isa sa atin ay mayroong mga karapatan,

sa mata ng batas pantay-pantay tayong lahat.

Mga karapatang pantao dapat nating makamtan,

upang mabuhay ng matiwasay, ‘yan ang dapat!

Interpretasyon at Kahulugan

halimbawa ng tula tungkol sa karapatang pantao ipaliwanag tagalogKahit sino may karapatang pantao. Bata, matanda, maitim o maputi. Lahat mayroon karapatan na magkaroon ng magandang buhay, edukasyon, pabahay at pagmamahal. Nakakalungkot lang minsan isipin na dahil sa mga iilang taong makasarili, na inuuna palagi ang kanilang sarili kahit na napakarami na nilang salapi, ay napakaraming tao ang nadudusa. Ang karapatang nararapat lamang ay ipinagkakait sakanila.

Kadalasang pinagkakait nila bilang karapatan ng isang tao ay ang karapatan para makapag-aral. Dahil kapag sarado ang isip ng tao ay wala itong magagawa para pigilan sila. Kaya nilang kontrolin ang mga ito at paikot-ikutin sa kanilang mga kamay.

Sana magkaroon na ng pagbabago. Dahil mahirap o mayaman, pantay-pantay lang dapat ang karapatan. Matuto tayong tulungan ang ating kapwa tao at baka sa panahon na tayo naman ang nangangailangan ng tulong ay makatanggap din tayo ng tulong sakanila.