Ang salitang meso ay nangangahulugan ng salitang “sentro”. Ang Mesoamerica o Sentral Amerika ay matatagpuan sa rehiyon sa bandang gitna ng ilog ng Sinaloa at Gulpo ng Fonseca – mga lugar na parehong matatagpuan sa gitnang Mexico at katimugan ng El Salvador.
Sa hilagang parte nito ay matatagpuan naman ang dalawang malalaking ilog ng Panuco at Santiago. Sa katimugang naman ay ang baybayin ng Honduras at Atlantiko na umaabot hanggang sa Nicaragua at Costa Rica.
Ambag ng Mesoamerica
Ayon sa mga siyentista mga mangangaso na galing sa Asya ang mga sinaunang nanirahan sa Amerika. Una dito ay ang Olmec (1200BC-400BC). Ang mga Olmec ay kilala sa tawag na mga taong goma dahil sa paggamit nila ng mga dagta ng goma.
Sila ay marunong din sa sining at paglililok ng mga higanteng ulo na yari sa bato. Hiegrolipiko ang sistema ng kanilang pagsusulat at ginamit sa paggawa ng sinaunang kalendaryo. Sa paglipas ng siglo sila rin ay humina at bumagsak.
Sumunod ang Teotihuacan (200BCE-750CE). Ang ibig sabihin ng teotihuacan ay tirahan ng Diyos. Ang mga tribong ito ay mabilis na lumaki dahil sa kanilang maunlad na kalagayang pang ekonomiya. Naging makapangyarihan ang kanilang mga pinuno at nagkaroon ng monopolya sa kanilang mga produkto.
Dahil dito sila ay sinalakay ng mga tribo galing sa hilaga at sinunog ang kanilang lugar. Dito unti-unting bumagsak ang kanilang kabihasnan.
Kabihasnang Maya
(100BCE-900CE) Ang mga Maya naman ang sumunod. Ang grupong ito ang nagpatigil sa paggamit ng kalendaryo. Gumawa sila ng mga pyramid na nagsilbing alay sa kanilang Diyos. Ito ang naging sentro ng bawat lungsod. Ang mga sibilisasyon dito ay mahilig sa sining, matematika, istruktura at astronomika.
Kabihasnang Aztec
Matapos ang Maya, sumunod and kabihasnang Aztec (Circa 1325BCE-1521CE). Sila ang mga tribo galling ng Aztlan. Isang mitikong lugar sa Mexico. Sila ang gumawa ng pamosong Chinampas o ang artipisyal na pulo na kung tawagin ay “Floating Garden”. Magagaling din sila sa paggawa ng dam, irigasyon at mga kanal.
Kabihasnang inca
Ang huli ay ang Inca (1200BCE-1251BCE). Ang ibig sabihin ng inca ay Imperyo. Tribo ng mga taong may kayumangging balat at kamukha ng mga Quenchua Indian. Dahil sa pagsamba nila sa araw tinawag nila ang mga sarili nila na mga anak ng araw.