Kalakalang Panlabas

kalagayan ng kalakalang panlabas sa pilipinas kontribusyon ipaliwanagAng kalakalang panlabas ay tumutukoy sa palitan ng produkto, istak o kapital at serbisyo sa pagitan ng dalawa o higit pa na bilang ng mga bansa. Madalas, ang kalakalang panlabas ay bunga ng kakulangan sa mga pangunahing pangangailangan ng isang bayan.

Eksport kung tawaging ang pagluwas at pagbenta ng mga produkto at serbisyo na palabas ng bansa. Import naman ang tawag kung ang produkto ay binibili o inaangkat papasok sa loob ng bansa.

Kagandahan na Naidudulot ng Kalakalang Panlabas

Sa pamamagitan ng kalakalang panlalabas naiiwasan ang pagkakaroon ng labis na kakulangang ng mga produkto sa merkado. Dahil dito, ang supply at presyo ng mga bilihin ay nanatiling matatag at nababawasan din ang sadyang pagtatago ng mga produkto.

Ang pagpataw ng taripa sa mga produkto na pumapasok sa bansa ay nakatulong upang tumaas ang koleksiyon ng buwis na pandagdag sa kaban ng bayan.

Ang pakikipagkalakalan sa labas ng bansa ay nakakabuo ng magandang ugnayan at alyansa sa miyembro ng internasyonal na komunidad. Sa panahon ng mga kalamidad at sakuna napakahalaga ang pagkakaroon ng mga ka-alyadong bansa upang mayroong mag-aabot ng tulong at suporta sa oras ng matinding pangangailangan.


Ang pagpapadala ng mga OFW sa ibang bansa ay nakakatulong upang mapunan ang malaking pangangailangan ng dolyar sa bansa. Bukod dito ay nababago rin ang estado ng pamumuhay ng mga trabahante na nakikipagsapalaran sa ibang bayan.

Epekto ng Kalakalang Panlabas

Ang kawalan ng regulasyon sa pag-angkat ng mga kalakal mula sa ibang bansaau nagdudulot ng mataas supply sa merkado. Sa ganitong kalagayan ay bumabagsak ang presyo ng partikular na bilihin na nagiging sanhi ng pagkalugi ng mga negosyante.

kahalagahan at suliranin ng kalakalang panlabas mga halimbawaMayroong mga sektor ng paglilingkod ang bahagya ring humihina ang kabuhayan. Halimbawa na rito ay ang mga nasa sektor ng agrikultura. Mas tinatangkilik ng mga mamimili ang mga produkto galing sa mga karatig na bansa dahil sa mababa nitong presyo.

Ang pagkakaroon ng matatag na supply ng mga pangangailangan ay isang pambansang responsibilidad na dapat tugunanan ng bawat mamamayan upang maiwasan ang labis na pagtangkilik sa mga produktong galling sa kalakalang panlabas.