Wikang Panturo

ang tunay na rason kung bakit meron wikang panturoNoong panahon na ang ating bansa ay sakop pa ng mga Amerikano, ipinakilala nila sa atin ang monolinggwal na sistema ng wikang panturo. Ingles ang tanging gamit noon. Taong 1940 nang magsimula ang paggamit ng Wikang Pilipino sa sekundarya lamang, partikular sa mga nasa pang-apat na antas.

Nang matapos ang pangalawang digmaang pandaigdig, unti-unti ng ginagamit ang wikang Pilipino bilang panturo. Hanggang sumapit ang Hunyo 4, 1946, ang araw ng ating pagsasarili sa mga Amerikano, araw din ng pagdedeklara na ang Wikang Pilipino ang maging opisyal na wikang panturo. Ipinag-utos ng pamahalaan ang paggamit ng Wikang Pilipino sa lahat ng pampubliko at pribadong eskwelahan.

Bakit Ba Mahalaga Ang Wikang Pilipino?

Dumaan sa maraming aral at pananaliksik ang ating pamahalaan bago naitadhana ang paggamit ng wikang Pilipino bilang opisyal at pormal na wikang panturo. Ito ang naging midyum na ginagamit sa pakikipaginteraksyon, pagtuturo, at pakikipagtalastasan sa mga mag-aaral. Ito rin ang ginagamit sa paglimbag at pagsusulat ng mga libro at maging sa paggawa ng iba pang biswal para sa panturo.

May mga ibang asignatura din na napalitan, gaya ng Social Studies na ginawa ng Araling Panlipunan. Halos lahat ay ginamitan nang wikang Pilipino maliban sa Matematika, Agham at Ingles. Sa pangkalahatan ay naging Bilinggwal ang sistema ng wika sa ating edukasyon.


Para maiangat ang kalidad ng edukasyon sa ating bansa, isinabatas at isinakatuparan ang kurikulum ng K to 12. Ipinag utos ng Kagawaran ng Edukasyon ang paggamit at gawing opisyal ang Mother Tongue na wika. Ito ang unang wika na nakagisnan ng mga magaaral at kadalasang gamit sa kanilang tahanan. Ang Mother Tongue ay itinuturo lamang sa mga kindergarten hanggang sa mga mag-aaral ng ikatlong baitang.

Kinabibilangan ito ng may labing-syam na uri ng wika gaya ng Tagalog, Pangasinense, Iloco, Bicol, Chavacano at iba pa. Ito ay tinuturo hiwalay sa kanilang asignatura. Ginawa ito ng ating pamahalaan sa kadahilanang karamihan sa mga mag-aaral ngayon ay di na marunong magsalita ng dayalekto na kanilang kinagisnan.

kahalagahan sa buhay natin ng wikang panturoParaan din ito para di mawala sa sirkulasyon ang ating ibat-ibang uri ng wika at para magising ang kamalayan ng mga kabataan kung gaano mapagtibay at mapahalagahan sa sosyodad ang dayalektong kinamulatan.

Bilang isang Filipino dapat nating pagyamanin at patuloy na linangin ang ating sariling wika sa pamamagitan ng paggamit nito. Di lamang ito simbolo ng ating pagkatao, bagkus ay tatak ito ng ating pagkakakilanlan saan mang parte ng mundo tayo mapadpad. Huwag natin itong ikahiya, ipagmalaki mo at gamitin ang wikang Pilipino.