Idyolek – Kahulugan At Halimbawa

idyolek isang uri ng wika - halimbawaAng wikang Filipino ay nauuri sa napakaraming barayti dahil sa pagkakaroon ng pagkakapangkat-pangkat ng bawat indibidwal ayon sa antas ng edukasyon na natapos, lugar kung saan nakatira, okupasyon, uri ng lipunan na ginagalawan, kasarian, edad at kapaligirang etniko.

Dahil dito ay nagkaroon pa ng iba’t-ibang barayti ang wika. May homogeneous at heterogeneous na uri ng wika.

Isa sa mga uri ng barayti ng wika ay ang Idyolek. Ito ay isang uri ng pormal na salita na karaniwang ginagamit ng isang indibidwal sa isang natatangi o yunik na pamamaraan. Ang bawat tao ay may kanya-kanyang istilo ng pananalita.

Maaring ang pagkakaiba ay dulot ng pagbigkas o di kaya naman ng naiibang pagbigay diin sa mga salita o mga parirala. Ang iba naman ay gumagamit ng yunik na tono o ritmo sa pagbigkas o pamamahayag ng mga partikular na linya ng pangungusap. Dahil dito ang bawat indibidwal ay nagkakaroon ng sariling tatak o namumukod-tanging pamamahayag ng saloobin.


Halimbawa nito ay ang mga susunod:
1.) Naiibang tono sa pagbigkas ni Noli de Castro ng mga katagang, “Magandang Gabi Bayan!”
2.) Ang malumanay na pananalita ni Charo Santos Concio sa kanyang programang Maalala Mo Kaya.
3.) Ang paos na boses ni Inday Badiday sa pagsasabi ng katagang “Promise!”
4.) Ang maton at maangas na pagbabalita ng mga Tulfo brothers.
iba't ibang halimbawa ng idyolek5.) Ang maharot na istilo ng pag-iinterbyu ni Arnold Clavio.
6.) Ang pag ubo at pagsasabi ni Mike Enriquez ng “Excuse me po!” at “Di namin kayo ka tatantanan!”
7.) Ang makapal at malamig na boses ni Rey Langit.
8.) Ang paggamit ng mga matatalinhagang salita ni Jimmy Licauco.
9.) Ang masayahin na pananalita ni Mark Logan sa mga Kwento ni Marc Logan.
10.) Ang magkahalong Ingles at Tagalog na lengwahe ni Kris Aquino

Sila ay mga halimbawa lamang ng mga prominenteng tao sa ating lipunan na may sariling tatak na susimbolo sa kanilang pagkatao. Nakabibilib kung tutuosin na walang dalawang indibidwal ang magpareho sa aspetong pananalita.