Kabihasnang Sumer

mga ambag ng kabihasnang sumer tagalogAng kabihasnang Sumer ay isa sa mga pinakaunang kabihasnan na umusbong sa lupain ng Mesopotamia. Mula sa wikang Arkadian ang Sumer ay may kahulugan na “lupain ng mga sibilisadong hari” o “katutubong lupain”.

Nagsimula sa kabihasnan ng Sumer ang pagkakaroon ng pinakaunang sibilisadong panlipunan. “Black headed” ang karaniwang tawag sa mga tao noong kabihasnan ng Sumer.

Matatagpuan ang Sumer sa katimugang dulo ng Mesopotamia. Ito ay nasa gitna ng Ilog Tigris at Euphrates. Ang mga tao sa Sumer ay naniniwala at sumasampalataya sa mga maraming patron at diyos. Ang Sumer ay nahahati sa dosenang bilang ng lungsod. Ang bawat isa ay may kanya-kanyang patron at diyos na dinadakila.

May istraktura ng Ziggurat na matatagpuan sa bawat siyudad. Ito ang nagsisilbing tahanan at templo ng kanilang diyos. Ang mga Sumerian ay naniniwala kay An, bilang diyos ng kalangitan, Elhil, Diyos ng hangin, Enki, diyos ng tubig at Ninhursag bilang diyos ng kalupaan.

Noong kabihasnan ng Sumer mga pari at ng mga seserdoteng gobernador ang mga pinuno ng kanilang lipunang pantao. Sila rin ang may pinakamataas na antas ng katayuan sa buhay, sinundan ito ng mga mayayamang mangangalakal.

Ang mga artisano, mga magsasasaka at mga alipin ay nabibilang sa mga mabababang uri ng tao. Si Ur-Nammu ang naitalang pinakaunang hari na namuno sa mga Sumerian at siya rin ang gumawa ng kanilang kauna-unahang batas sa kanilang lipunan.


Sa panahon ng kabihasnan ng Sumer ay umusbong ang maraming salin ng dinastiya. Nagsimula ang kanilang dinastiya sa panahon ng Ubaid, 5300-4100BC at natapos sa Unang Dinastiya ng Ur noong ika-dalawampu’t anim na siglo BC. Nagkaroon din sila ng apat na pangunahing siyudad, ang Mari, Agade, Kish at ang Borsippa.

Dahil sa pagiging mataba ng kanilang lupain at pagkakaroon ng sapat na tubig mula sa Ilog Tigris at Ilog Euphrates, pagsasaka at pag aalaga ng mga hayop ang karaniwang pangkabuhayan ng mga Sumer.

Naging mahilig din sila sa mga pag-ukit sa mga bato, ang mga iba ay naging mga mangangalakal at nakikipagpalitan ng produkto mula sa mga karatig nilang pook.

Nanggaling rin sa kabihasnang ito ang mga pinakaunang inhinyero, arkitekto at mga siyentista sa mundo. Makikita ito sa mga templo na may pitong palapag na kanilang itinayo para sa kaninlang mga diyos.

Dahil sa kanilang kawalan ng pagkakaisa at walang kahandaan ng sapat na depensa laban sa mga mananakop ang kabihasnang Sumer ay bumagsak.


Sila ay nilusob ng Imperyong Akkadian at ito ang unang lumupig sa kanila. Hanggang sa ang kahuli hulian ay ang Imperyo ng Babylonia na siyang huling namayagpag sa kanilang kabihasnan.

Maraming naging ambag ang kabihasnang Sumer sa mundo. Naging kontribusyon nila ito hindi lamang sa kanilang kabihasnan kundi sa buong sanlibutan. Karamihan dito ay patuloy pa na ginagamit at ang mga iba ay kasalukuyang pinag-iibayo pa ng mga siyentipiko at ng mga dalubhasa.

Ambag ng Kabihasnang Sumer

Sa panulat – Sila ang nagpakilala sa paggamit ng sistema ng Cuneiform (ang pinakamatandang pagsusulat sa mundo). Naimbento rin nila ang paggamit ng Stylus at pag ukit sa mga tabletang putik bilang paraan ng pagsusulat at pagtatala ng mga importanteng kaganapan ng kanilang sibilisasyon.


Sa relehiyon – Ang pananampalataya at paniniwala sa diyos at mga patron. Ang pagkakaroon ng relihiyon ng Hudaismo at Kristiyanismo.

Sa Matematika – Ang paggamit ng fraction at square root. Ang prinsipyo ng calculator. Ang paglikha at pagsulat ng table of multiplication at ang prinsipyo ng dibisyon. Ang sistema ng paggamit ng pagsusukat at ng timbangan. Sila rin ang nakatuklas ng gamit ng decimal system. Ang paglikha ng Aritmetika, heometriya at Algebra.

Sa agrikultura – Ang pagtatanim ng mais, lentil bulak at iba pa. Ang pagpaparami, pag-aalaga at pagkukuha, pagga-gatas ng mga hayop. Ang imbensyon ng irigasyon at pag-iimbak ng tubig. Ang paghahabi ng lana at lino, at paggawa ng mga damit mula sa balat ng mga hayop.

Sa ekonomiya – Ang sistema ng pagpapalitan ng mga kalakal at mga produkto.

mga importanteng kontribusyon ng kabihasnang sumerianSa teknolohiya – Ang paggawa ng pugon, gulong, paggamit ng bronze at araro. Ang paggamit ng mga sandatang pandigma gaya ng espadang bakal, at mga karwahe.

Ang pag-imbento sa paggawa ng mga gulong.

Ang pagtatayo ng temple gaya ng Ziggurat na isa sa mga sinaunang istrakturang bato sa buong mundo.

Sa sining – Ang Epiko ni Gilgamesh bilang pinakaunang epiko sa daigdig.

Sa Agham at Siyensiya – Ang proseso ng pag-oopera sa katawan ng tao.

Ang paggamit ng lunar na kalendaryo na may labing-dalawang buwan.